PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

OPERATION LINIS NA GINANAP NOONG MARS0 13, 2010, TAGUMPAY!

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Mon Mar 15, 2010 3:17 am    Post subject: OPERATION LINIS NA GINANAP NOONG MARS0 13, 2010, TAGUMPAY! Reply with quote

Ngayong taong ito po ay muling nagsagawa ng Operation Linis ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna bilang paghahanda sa darating na paggunita sa Mahal na Araw.

Ang operation linis/tabas sa bahagi ng Feeder Road-Macumbo-Alutay ay ginanap noong ika-13 ng Marso, 2010.

Ang nasabing Operation Linis ay pinangunahan ni Konsehal Aurelio " Kid" P. Paraiso, Tagapangulo, Lupon sa Katahimikan, Kaayusan at Pangmadlang Kaligtasan. Ang iba't-ibang aktibong samahan na nakiisa sa nasabing operation linis ay ang samahan ng Paete Anti- Crime Task Force (PACTAF), Pederasyon ng mga Bantay-Bayan 1-9 at Upland Farmers ng Sitio Papatahan at Sitio Alutay.

Sa ngalan po ng lahat ng nakiisa sa nasabing Operation Linis, taos puso po kaming nagpapasalamat sa suporta ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan at ng ating Pamahalaang Bayan ganun na rin kay ABC Konsehal Elizabeth G. Calma at sa bumubuo ng liga ng mga barangay.

Ang nasabi pong Operation Linis ay hindi magiging matagumpay kung hindi dahil sa bawat isang nakiisa, sa tulong ng liga ng mga barangay, sa tulong pinansiyal at suporta na ating natanggap mula sa ating Pamahalaaang Bayan na inilaan para sa pagkain ng mga boluntaryong nakiisa sa nasabing proyekto.

Muli po, maraming, maraming salamat po ! ! !

Narito po ang ilan sa mga kinunang larawan sa nasabing Operation Linis:









Photobucket



















































Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group