PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Bulwagang Santo Nino De Palaboy
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulong Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Tue Dec 10, 2013 2:39 am    Post subject: Reply with quote

Nais ko pong i-share ang inspirasyong liham po ni Madam Filda..

Hindi mo ako kilala, pero dahil kay Sto. Nino heto ako.

Ganito yon, please be patient with my story, hani? Today is my 65th birthday but had a small surprise (kuno) party prepared by my siblings last Saturday, 12/07/13. Pag-gising ko kanina, napansin ko nalalanta na yong balloons, so sabi ko ma-picturan naman kaya ng close-up. To make my story short, nang sine-save ko yong copy, aba napansin ko si Sto. Nino sumama sa picture! Tapos maya-maya, check naman ako sa Usap Paete, nakita ko yong latest update sa Tulong Paete, dated 12/07/13, to my surprise its about the Sto. Nino de Palaboy. Sabi ko, OMG nagpaparamdam o naglalambing yata sa akin si Sto. Nino!!! Dahil very much involved ka naman dito, I thought it's a nice story to share with you, kahit di naman tayo close.

At dahil din dito, I'd like to pledge $100.00 for the Sto. Nino de Palaboy project. Please let me know kung kanino ko pwedeng ipadala.

Best regard,

Filda Villamater-Caguin


Dear Madam Filda,

Maraming salamat po...

Very interesting story po, na kung minsan ay hindi po inaasahan na nagkakatugma lalo na po sa special na araw sa ating buhay..

Ang inyo pong liham ay sapat na upang maging masaya po ako sa akin o aming ginagawa.. sana nga po ay matapos na ang proyektong ito..

Happy Birthday po.. at ipinaabot po ng "STO.NIŅO PALABOY BROTHERHOOD ASSOCIATION.. ang taos pusong pasasalamat...

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Dec 11, 2013 9:46 pm    Post subject: Reply with quote

for documentation..

Nemie V Baldemor-Diaz ( facebook)

Thank you very much to Ms. Sonia Sonia Cadayona Balandra for the $100.00 donation for our Sto. Niņo Palaboy project.

Salamat po
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Dec 13, 2013 3:21 am    Post subject: Reply with quote

for documentations..

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=689762081058668&set=pcb.265898063561202&type=1
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Tue Dec 31, 2013 3:12 am    Post subject: Reply with quote

I Wish and Hoping 2014 is a Excelent Year for this Project of Bulwagang Santo Nino De Palaboy the Plaza Palaboy..

I Wish po na mapagisipan mabuti.. Susungkitin na lang ang Bunga....

No Guts No Gain..

Happy New Year All!!
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com


Last edited by whernas2001 on Tue Dec 31, 2013 10:00 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
guesss
Guest





PostPosted: Tue Dec 31, 2013 4:34 am    Post subject: Reply with quote

paliwanag po lamang: anong ibig sabihin ng sagabal sa proyekto, parang may mga tutol ba sa pag papatayo ng santo nino shrine?
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Jan 01, 2014 7:13 am    Post subject: Reply with quote

Ganito na lang Po para may mapag usapan at mapag aralan..

Tanong?

1. Ano po ba ang kagalingan at kagandahan o hindi kanais nais,.. ng isang proyekto na pag aari ng isang Samahan na nakapangalan sa o may lagda isang pribadong individual o lagda ng Samahan?

2, Ano naman po ang kagalingan ng isang proyektong idinonate sa barangay na ang lupa subalit ito ay pangangasiwaan at ipapangalan sa isang Samahan sa habang panahon at kaban ng bayan ang ipagpapagawa dito.. o ito ba ay hindi kanais nais?... katulad halimbawa ng ating pambayang tanghalan Plaza Edesan..

Pag usapan po natin wala pong babangiting mga pangalan ng tao o upang hindi po tayo makasakit ng damdamin ng kapwa..

Pigain po ang isip sa maganda at magalang na paliwanag salamat po kung kayo ay may oras..pumili po ng isa sa dalawang katanungan at ipaliwag ang inyon saloobin... Ito po ay silbing tulong kaalaman sa Tulong Paete..
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Thu Jan 02, 2014 11:58 pm    Post subject: Reply with quote

whernas2001 wrote:
Nais ko pong i-share ang inspirasyong liham po ni Madam Filda..

Hindi mo ako kilala, pero dahil kay Sto. Nino heto ako.

Ganito yon, please be patient with my story, hani? Today is my 65th birthday but had a small surprise (kuno) party prepared by my siblings last Saturday, 12/07/13. Pag-gising ko kanina, napansin ko nalalanta na yong balloons, so sabi ko ma-picturan naman kaya ng close-up. To make my story short, nang sine-save ko yong copy, aba napansin ko si Sto. Nino sumama sa picture! Tapos maya-maya, check naman ako sa Usap Paete, nakita ko yong latest update sa Tulong Paete, dated 12/07/13, to my surprise its about the Sto. Nino de Palaboy. Sabi ko, OMG nagpaparamdam o naglalambing yata sa akin si Sto. Nino!!! Dahil very much involved ka naman dito, I thought it's a nice story to share with you, kahit di naman tayo close.

At dahil din dito, I'd like to pledge $100.00 for the Sto. Nino de Palaboy project. Please let me know kung kanino ko pwedeng ipadala.

Best regard,

Filda Villamater-Caguin


kaya sana po ay huwag na tayong maghintay na magkaroon ng paramdam o himala bago tayo mag-bigay...
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Jan 06, 2014 2:18 am    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
[quote="

kaya sana po ay huwag na tayong maghintay na magkaroon ng paramdam o himala bago tayo mag-bigay...



Dear Guest,

Magandang hapon po sa iyo heto panoorin mo yung link at sigurado ko maantig ka.. scipted episode from Thailand.. ganyan po minsan ang buhay dumarating ang mga sandali na tayo naman ang kusang tinutulungan ..

https://www.facebook.com/photo.php?v=714819655204161


Maaring isa din po kayo sa donors sa Sto Nino De Palaboy Project????.. hindi ko po alam kung anu ang iyong ibig ipahiwatig.. subalit sa akin pong palagay ang pagtulong po ay hindi sapilitan.. wala po tayong magagawa kung minsan ay hindi po tayo maabutan ng tulong ito ay kusa na galing sa ating puso at isipan..at ang pagtulong po ay pwede ring tangihan kung hindi po tayo magiging masaya moral man o material..

Ako po ay humihingi ng paumanhin kung bakit ko po ito inilahad sa publiko na ang nais ko lang po ay maisiwalat ang kaligayahan ng kalooban dahil po sa magandang linya ng kwento at pangyayari.. may mga magagandang pangyayari sa ating buhay na kusang dumarating..

Salamat po at magandang hapon
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Jan 08, 2014 5:28 am    Post subject: Reply with quote

For the record...

$100 from. Sonia Baldemor
$50 from. Nemie Baldemor

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=697771960255773&set=a.697771980255771.1073741830.684148141618155&type=1
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Tue Jan 14, 2014 11:33 pm    Post subject: Reply with quote

https://www.facebook.com/media/set/?set=a.616419051747152.1073741826.100001371890422&type=1
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat Jan 25, 2014 5:32 am    Post subject: Reply with quote

https://www.facebook.com/media/set/?set=oa.282905975193744&type=1
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Mar 20, 2014 1:31 am    Post subject: Reply with quote

Pagbisita po ng Grupong Agarao sa pangunguna po ng anak ni Congresman Benjie Agarao.. na Ms Jam...


Maganda po itong pahiwatig para sa Proyekto.. hindi po isusuko ni Mayor ang isang Mahalagang Bagay.. naniniwala po ako na para sa magandang hangarin ang lahat..


https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10152277508796100&set=pcb.1470984806446648&type=1
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat May 03, 2014 11:38 pm    Post subject: Reply with quote

The History of Santo Nino De Palaboy of Paete Laguna...

Ang original ay likhang ukit ni Fred Baldemor noong taong 1974 yari sa Molave o Maulawin.Ang kaputol na Maulawin ay ibinigay ni Ka Vlanderick Villanueva noong sya ay kasalukuyang naging Apprentice ni amang Fred..ang nasabing kahoy na Maulawin ay galing sa pinagputulan ng ginagawang Bandsuhang kahoy ng Tandang Sendo na dada ni Ka Vlander.. Ang anak ni amang Fred na si Walter ay ang naging modelo na pinunit pa nya ang suot na sando at hinubuan para masilip ung alam nyo na. Ang Original na Santo Nino De Palaboy ay nasa pag iingat ng pamilya ng may likha..

Ang Santo Niņo Palaboy na pinoprosesyontaon taon ng Simbahan Katoliko ay ukit ng bunsong kapatid ni Fred Baldemor na si Felix Ely Kid Baldemor..


Vission and Mission

Documentation Only:
Monitoring all activities regarding Santo Nino De Palaboy
Posting of experiences Regarding Salibanda
Updating all details of the Bulwagang Santo Nino De Palaboy Plaza Project
Creating Friendship Bonding and Group Harmony
Sharing information regarding Santo Nino De Palaboy Event. etc.
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun May 04, 2014 5:27 pm    Post subject: Reply with quote

Dear my Fellow Kababayans.
Magandang araw po sa inyong lahat sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan at nasa maayos na kaisipan sa pagbabasa sa akin pong ilalahad
Magalang ko pong ipinababatid ang isang obserbasyon na nangaling sa isang nagmamalasakit sa ginaganap taon taon na Salibanda Palaboy o sa Salibandang pangkalahatan..kanyang napansin ay may ilang grupo po ng kabataan ibat ibang kasarian ay ang kawalan ng paggalang at sobrang kalaswaan na lumalabas at kanilang isinisigaw habang sila po ay kasama ng Salibanda...minsan po ay nangiging sanhi ito ng kaguluhan habang kasama dito .. kung ito po ay magpapatuloy at hindi masasawata ay hindi po ito kasais nais sa ating ibang mga kababayan at sa mga bumibisita sa ating bayan.. para din po sa aking opinion ay ilagay po natin sa tamang pagalang at disiplina sa ating sarili at sa isat isa habang ginaganap po ang Salibanda.. magiging masaya po at igagalang at kikilalanin ang ating Salibanda .. ang ating pangkalahatang Paete Salibanda na mai halintulad sa Black Nazarene ng Maynila na ang mga namamanata ay naka yapak...at dinarayo ng milyong milyong mga deboto.. Sana po ay ating sundin ang pangalan na Saliw ng Banda... ang pagsasayaw at pagsasaya .. hindi ng pag sigaw ng malalaswang salita... salamat po sa inyong pangunawa...
Concerned Citizen..
Like · · Share
Bernardo B. Yumang, Nap Madridejos, Manuel Rivera and 36 others like this.
1 share

Perfekto Padallan maraming salamat sa iyong pagpopost nito katotong Winston Julius T Hernas ..Sa palagay ko laang hane dapat ay magkaroon ng mga Marshall ang organizer ng Samahan na cyang mangangsiwa sa ganyang klase ng samahan ...
April 21 at 5:44pm · Unlike · 3

Winston Julius T Hernas Ka Peps tama po kayo dapat po ay pagtuunan po ito ng pansin dahil ito po ay nakaka alarma kung magpapatuloy na magiging kinagawian .. alam naman po natin na hindi lang po tayo carving capital .. ang bood po ay sa bayan po natin halos lahat nagmumula ang mga poon na sinasamba at pinanampalatayaan ng kristiyano.. siguro po para sa seguridad o karapatan ng sinasabi po nyong Marshal ay magsagawa po muna siguro ng batas ordinansa na syang magbibigay disiplina sa mga taong nasa ilalim ng ng kakaibang huwisyo.. marami pong dapat na ipagbawal at dapat na ilagay sa tama kung kasama po sa salibanda o sa bawat prusisyon o lahat ng may kaugnayan sa ating mga ipinagdiriwang na mga poon anu mang panahon araw o buwan..kami man po ka[ag sumasakay sa eroplano ay may sinusunod na batas para sa seguridad ng mga manlalakbay.. ang magbiro po ng salitang may bomb ay kaagad pong hinuhuli.. salamat po...
April 22 at 5:46am · Like · 1

Perfekto Padallan Mayroon din nman sa ibang bayan na tradisyon ang basaan ng tubig pero kontrolado ang mga particepant na grupo .baket di magaya ng mga kabataan un
April 22 at 4:07pm · Unlike · 1

Reynaldo Bague anong batas naman ang gusto mong ipatupad Winston Julius T Hernas nasa tao kasi yan hindi na kailangan gumawa ng batas kung may disiplina ang tao walang gulong mangyayari sa mga okasyon tulad ng salibanda nakagisnan na kasi natin na di masaya ang salibanda kung di ka nakainom pag sumama sa prusisyon . iba ang sa eroplano maraming buhay ang nakataya kaya kailangan ng batas para sa seguridad ng pasahero
April 23 at 11:43am · Unlike · 1

Winston Julius T Hernas Mr Reynaldo.. ang pagbangit ng salaita sa hindi tamang lugar o okasyon kung minsan ito ay hindi kayang disiplinahin lalo na kung nasa ilalim ka ng kakaibang huwisyo... nawawalan ng kontrol sa sarili lalo na kung may nagpuprovoke o nag lilead at ang iba minsan ay nadadala na rin.. at ang obserbasyon na ito ay hindi sa akin nagmula.. kundi sa katulad ko din na gustong mailagay sa tama ang pagsasaya at pagsasayaw ito ay hindi ipinagbabawal .. kahit na ng pag iinom bago pa sumama sa salibanda.. subalit ang dapat lang na salain ay ang mga sobrang malalaswang salita na isinisigaw habang sila ay kasama ng salibanda.. at yan ang aking sinasabi at ng taong nagmamalasakit.. be an educated people kahit na tapos lang tayo ng grade 2 alam naman siguro natin ang tanma at mali... kung kaya ang aking nabangit na lagyan ng pangil ang mga marshal na syang sasawata kung meron man ay sya nilang magiging panangalang sa oras ng pangangailangan.. na nagpapatunay na sila ay may sinusunod na batas.. na maging sila mismo ay di dapat itong abusuhin... salamt sa iyong concerned Mr Bague.. God Bless
April 24 at 3:27am · Like

Reynaldo Bague ah ganun baga eh ang dapat diyan gamitan ng batas ng kamaoooooooo ni pacquiao para mabusalsal ang bunganga para dina makapagsalita ng mga bad word sa susunod o kaya batas ni mayor dueterte ng davao heheheheh
April 24 at 11:39pm · Like

Felizardo Mendoza Sang ayon ako sa obserbasyon ng sumulat. Pero nasa puso ng bawa't isa ang pagbabago. Malaki ang maitutulong ng mga lider ng simbahang Katoliko sa paglalagay sa kaayusan ng mga ganitong okasyon. Ang pagsasayaw tulad sa Sinulog ay isang pagbibigay parangal na pawang dasal at pagpupuri ang namumutawi sa mga labi.
April 25 at 7:43pm · Unlike · 2

Freckles Vee Sa inyo pong lahat na nagkomento, may kanya kanya po kayong puntos at eto po ay dapat respertuhin ng bawat isa, sa kin lang po, pagpapahalaga po sa mga nararamdaman ng bawa't isang nakikisali sa mahalagang prusisyong eto ng Salibanda Palaboy, tamang asal at tamang pagsasa puso sa ating mahal na Santo Nino ang pagbibigay galang at pagsasapuso ang ating tamang ibigay, habang ang bawat isa ay nagbibigay ng kanyang pagdarasal.. sa Mahalagang okasyong eto.dapat iwasan ng bawat isa ang mga maling gawain o masamang asal sa ikagaganda pa at ipagkapagkakapuri ng ating naging tradisyong taung taong ISINASAGAWA SA ATING BAYANG pAETE.... ANG SALIBANDA....mABUHAY PO TAYONG LAHAT AT PAGPALAIN PA NG PANGINOONG DIYOS...KAPAYAPAAN PARA SA ATING LAHAT!
April 25 at 11:25pm · Edited · Unlike · 1
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Rene Balan
Guest





PostPosted: Mon May 05, 2014 3:28 pm    Post subject: Salibanda Reply with quote

Ano kaya kung alisin na ang ba-saan sa SAlibanda. Doon yata nanggagaling ang gulo, Dahil, hinahaluan ng alak pag nagpupurososyon , mga lasing ang mga tao, magagalas at walang kaayusan ang dapat sana ay tahimik, taimtim at banal na pagpupurososyon sa ating Santo Ninyo. Maari namang gawin tahimik at walang alak, walang kagulo at walang kagalasan.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu May 08, 2014 9:17 am    Post subject: Reply with quote

Ganito po baga ang Guidelines at Rules na sinusunod ng bawat nagrere kamaderos?... .

Katulad po ng...
Feeding
Gift Giving
mga palaro o patimpalak
pa misa o padasal
Banda
gayak o dekorasyon.
tamang kasootan habang kasama sa salibanda
Basaan ay di dapat mawala na kinagisnan na natin.. pero sa ibang bayan kapag pinuprusisyon si Palaboy ay walang basaan.
Mananayaw na nakasunod sa Palaboy..

team o individual na sumasama sa magbubuhat habang isinasayaw..

Security or bantay bayan na naatasan ng Rekamaderos o ng samahan habang nasa salibanda sila ang mangangalaga sa prusisyon na ang maglead ng kaguluhan at mga salitang hindi kanais nais para sa salibanda ay dapat sigurong paalisin muna sa hanay..

Anu po ang inyong masasabi..

.
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Rene Balan
Guest





PostPosted: Fri May 09, 2014 9:26 am    Post subject: Reply with quote

Itigil na ang ba-saan at sabuyan, hindi kailangan ang tubig para sa isang taimtim na purososyon.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri May 30, 2014 7:07 am    Post subject: Reply with quote

Magandang Gabi Po..

Magalang ko po at nais ko lang pong ibahagi ang isang nakalulungkot na nagaganap sa kasalukuyan sa Proyektong ito ng Bulwagang Santo Nino De Palaboy..

Tulad po noong unang humingi ng tulong sa ating mga kababayan wala pong itatago sa proyektong ito .. Financially, Emotionally, Historically, Materially..

Sana po ay namnamin at inyo pong analisahin ang aking salaysay.. Noong last Mahal na araw po Sabado de Gloria sa Plaza ay natsempohan ko po si Mayor sa may stage at nagpakuha nga po kami ng Picture at kamustahan.. in short kahit mawalang galang na po kay Mayor ay akin pong inusisa kung bakit walang nagiging progreso sa proyekto ay ang pagkakaalam po ay malapit na itong pasimulan.. ang naging sagot po ni mayor ay meron pong aayaw na ito ay ipagawa ng dahil sa gagawing MOA galing sa Barangay..medyo nagkaroon ng pag aagam agam ang ilan kung kaya may kumontra sa panukala.. Ako po ay hindi tumigil ng gabing yun at ora mismo po pagkatapos naming mag usap ni Mayor ay sinadya ko po si Ka Ely Kidd at (Ka Puga) Rolando Dela Cruz presidente ng Palaboy..at sila man po ay nagtaka at ang pagkakaalam din po nila ay in progress na.. kung kayat kami pong tatlo ay aming sinadyang hanapin naman ay si Kapitan tungkol sa bagay na ito subalit lubhang busy po ang mga tao lalo na sa may mga katungkulan kung kayat ang mungkahi ni Ka puga ay sya na lang ang mag sasadya upang makapulong muna si Kapitan bago kami makipagkita kay Mayor para sa muling pag pupulong...

At sa tatlong kruz nga po namin nakapulong si Mayor na magaan naman po nya naman kaming pinaunlakan na mapag usapan kung ano ang dapat na gawin...

Dahil nga po sa merong aayaw sa nasabing sistema ay ang mungakahi po ni Mayor ay palagdain ang mga miyembro ng Palaboy lalong lalo na yung mga orihinal na miyembro.. na ang plaza Palaboy ay magiging Perpetual Land ng Barangay sa gagawing MOA.. na sa ang magiging kasunduan ay ito ay isang paraan upang makapaglabas ng pondo ang ating pamahalaan para sa Kongretong bubungan at biga palitada at sa mga kung anu anu pang kailanganin para ito ay maipatapos... na sa akin pong estimate 177 sq meter ay maaring abutin humigit kumulang sa 1m pesos...

Kung kayat ang napagkasunduan po ay magpapakagala nga po ng isang kalatas,, at ito po ay pagkatapos ay ibibigay sa Sanguniang Barangay na syang magbabalangkas ng MOA Memorandum of Agreement.. at kapag naaprubahan na po ng magkabilang panig ay ito po ay sa lamesa na po ni Mayor ang tuloy...

Sa hindi po malamang kadahilalan ay ang kalatas na pinapapirmahan ay may nagpatigil... kung kaya at muling na namang naantala ang proseso...

ito po ang aking masasabi.. ang proyektong ito po ang lupa ay pinagsikapan na bilhin ng ilang miyembro ng orihinal na Palaboy.. at ng 2010 nga po unang tuntong ko sa ukitan ni Ka Ely kidd ay nandoon nga po sila at doon ko din po na meet ang kanilang presidente.. at isinama nga po ako sa lupang bakante na may rebulto ng Palaboy... at sila nga po ay humihingi ng tulong kung paano maipapagawa ang kanilang pinagdadausan ng Misa taon taon...

At akin nga po silang kinausap na lalapit tayo sa mga taga Paete na nasa ibang bansa subalit kailangan lahat ng gugugulin kahit na maliit na halaga ay atin ding itatala upang kanilang makita na tapat tayo sa ating hangarin...

At dahil nga po dito ay naglakas loob nga po akong sumulat dito sa forum na ito at hindi naman po kami nabigo .. salamat po sa inyo kahit na po hindi pa ito tapos..

ito po ang aral.. hanap po ng hanap ng mga taong mag dodonate para itong proyektong ito ay maipatapos .. noong meron ng umaako na at nagsusulong na personalidad at pumansin sa proyekto para ito ay mapondohan at maipatapos ay saka naman aayaw at nag alinlangan ang ilan..

Tanong ko po naman ay kung may alternatibo po ang umaayaw ay bakit naman nga po hindi kahit sino po ang magpagawa ng Palaboy Shrine ito po ay ating maiiwanan sa mga susunod pang saling lahi..

Salamat po

Always
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
GUEST
Guest





PostPosted: Sun Jun 01, 2014 9:34 am    Post subject: Reply with quote

Palagay ko kailangang huwag ipapas-an sa gobyerno ang project ng Relihiyon.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Jun 04, 2014 5:21 am    Post subject: Reply with quote

Cristina Saldea commented on this.

Erlonie Barangkil Acu‎STO.NIŅO PALABOY BROTHERHOOD ASSOCIATION
May 31 at 9:38am ·
Paglilinaw lang po...
magandang araw po sa bumubuo ng samahang palaboy paumanhin po sa mga lumagda sa papel sa ibaba ito po ay hindi dumaan sa pamunuan ng palaboy kung kaya ito po ay panandaliang itinigil sa kadahilanang hindi pa po ito napagkakasunduan ng pamunuan ibinukas po ito ni ka ely kid at ni pangulong puga nung unang pa meeting subalit ang lahat po ay hindi sumangayon dahil kailangan daw po nating idonate ang ating lupa ng plaza de palaboy para ito ay mabubungan nagtaka na lang po ang pamunuan ng biglang may kumalat na papel na pinapepermahan sa mga myembro at ito pong kumakalat na papel sa ibaba ay walang linaw na nagsasabi na kailangan nating idonate ang nasabing lupa ng palaboy makikita nyo naman po sa ibaba na wala pang perma ang pamunuan ay ipinakakalat na sa mga myembro at ang mga lumagda dto nang ipinaliwanag po namin ay isaisa na pong hindi sumasangayon ang lahat po ay nagkakamit na mabubungan ang plaza ng palaboy subalit hindi naman po papayag ang lahat na idonate ang nasabing lupa na ilang taong pinagipunang ipanghingi halos mahigit kumulang 20taon bago ito nasadya! tayo po ang lumalapit at humihingi ng tulong hindi po tayo pa ang mag dodonate! napakarami pa pong alternatibong paraan para ito po ay ating mabubungan!wag po tayong mag madali dahil bago lang ang pamunuan! pag iisipan po nating mabuti ibang usapin na po ang idonate!
Erlonie Barangkil Acu's photo.
Erlonie Barangkil Acu's photo.
LikeLike · · Share
Cristina Saldea, Emer Gajitos and Chino Bela like this.

Cristina Saldea magandang araw po abay hindi po talaga kmi papayag na idonate ang lupa ng palaboy kmi po ay nagpakahirap ng humigit kumulang na dalwangpung taon upang ipanghingi at ilapit sa may mabubuti at bukas palad na mga tao bakit nga po baga atat na atat idonate ang lupa ng palaboy e kung sa bubung lng napakarami pang paraan ang pamilya milan na maymabubuting loob na simulat simula pa ay buong pusong sumusuporta sa samahang palaboy sa pangunguna ni ex kapitan luis vitor at pamilya milan ay may sinasagot n bahagi sa nasabing pagpapagawa ng ating bubung ng plaza palaboy hindi parin nmn inilalapit yan hindi pa ipinanghihingi wag po bagang magmadali at tama po bago lang ang pamunuan intayin po natin ang kanilang kakayanan kaya po gioong harnas ipaubaya po natin sa bagong pamunuan at sa samahan ang usaping ito hindi po nmin kailangan ang sinasabi nyang pormality ang kailangan po namin ay legal marami pa po syang hindi nalalaman godbless
May 31 at 10:40am · Like · 3

Chino Bela magandang araw po paumanhin po ako po ang pangalawang pangulo ng samahang sto.nino de palaboy ang masasabi ko lang po ay talaga pong wala po kaming alam dyan sa kumalat na papel na yan wala pong alam ang pamunuan dahil wala po kaming nagaganat na pagpupulong hingil dyan siguro nga po ang nagpakalap nyan ay ang pangulo at si ninong kid subalit ito po ay hindi magandang hakbangin dahil hindi po ito ipinagbigay alam sa pamunuan kungkaya hindi po ito napagkasunduan hindi nmn po maaari na yung dalwa lamang ang mag decision ng usaping ito kaya nga po tayo ay may pamunuan upang dito ilahad at pag-usapan
ang lahat ng ating mga magagandang hangarin sa ating mahal na sto.nino de palaboy upang mapagsang ayunan ng lahat hindi po magiging matagumpay ang lahat ng proyekto kung magkakanya kanya po tayo ng mga hakbangin kung hindi po magkakaisa magkakasundo at lalong higit kung hindi igagalang ang pamunuan kung maganda po ang hangarin bakit hindi po ito idinaan sa pamunuan bakit biglang may nagpakalap ng sulat na yan hindi po baga kabastusan na yan sa pamunuan wag po tayong padalos dalos ng mga decision pinag iisipan pong mabuti yan hindi po basta basta ang pag donate ng lupa lalo na kng dumaan sa hirap bago ito nasadya hindi po magiging madali sa mga myembro at pamunuan na naghirap dito napakarami pa pong paraan para magkabubong ang plaza ng palaboy gaya ng kapitan natin tingnan po natin kng maisasakatuparan niya ang kanyang pangako na itoy mabubungan dahil ito ang kaunahang naka saad sa kanyang plataporma de barangay isapa ang pamilyang milan na walang sawang tumutulong sa ating mahal na sto.nino palaboy pag isipan po nating mabuti at pag pulungan marami pong salamat
May 31 at 10:20pm · Like · 2

Winston Julius T Hernas Madam Christina wala namang problema sa akin lahat ng inyong mga nais na gawin jan sa Palaboy Plaza.. marahil ay nag alilanlangan lang po kayo sa salitang Donation.. hindi po ako mambabatas at hindi rin ako abogado.. subalit kung iisipin po natin ang isang simpleng nakalarawan sa ipinapagawang Palaboy Plaza ay ito po ay ang layunin ng inyong samahan ay upang ipagamit sa ating mga kabarangay at sa bayan ng Paete para sa Salibanda o kung anu nau man pong okasyon,, di po baga ganun ang layunin ng Palaboy Plaza? kung ang palaboy plaza man po ay matuloy ang inyong kasunduan kung meron man pong magaganap at ito nga po ay naging Perpetual Land ng Barangay sa pamamahala ng samahang Palaboy at iyon po naman talaga ang dapat mangyari kung kayat gagawa ng isang MOA ( Memorandum of Agreement) ay ganun din po ang layun para din po sa ating mga kabarangay at sa bayan ng Paete at sa MOA po kayo naman ang makikipag ugnayan sa bagay na ito kung kaya po sa inyo po sigurong pag uusap ay pwede po naman sigurong ilagay sa agreement ang lahat na inyong nais na mangyari,,,.. katulad po na nasabi ko hindi po ako abogado o mambabatas subalit ang MOA po na gagawin ng sanguniang barangay ay upang makagawa ng batas upang makapaglaan ng pondo na galing sa Gobyerno.. iyan po ay LEGAL.. nasa inyo na pong pag uusap kung makikipag dialoge po kayo.... hindi po mawawala ang Palaboy Plaza bagkus ay isa pong pagpabor ito sa proyekto upang maipatapos ... Kaya sa palagay ko po naman ang MOA kung kayo po ay isa sa makikipag ugnayan sa sanguniang barangay ay pwede pong ipapalagay na ang batas na ito po ay habang panahon hangang sa ikasampung saling lahi o isang daan ay ang Palaboy Plaza ay sa pamamahala ng Samahang Palaboy na hindi pwedeng gawing pasilidad ng o tangapan ng Barangay.. walang buwis, maitenance pwedeng paglaanan ng Barangay every year or every 3 years pwede rin po nyong paupahan sa kung anong okasyon depende nga po sa inyong gagawing MOA na mapagkakasunduan ng magkabilang panig.. Yuna lang po .. ito po ay pabor na pabor sa Samahang Palaboy.. pero ingat din po kayo at intindihing mabuti ang gagawin pong MOA.. ang sa akin lang po ay akin pong iginagalang ang mga pag uusap Ka Ely Kidd, Ka Puga, Ka Erning C Toting S.Ka Raul at ikaw at kay Pareng Apin na syang nagsama sa akin jan sa inyo noong 2010 sa ukitan ni Ka Ely Kidd .. doon ko lang po kayo nakaharap, kung kaya po ako ay nakasama nyo sa humihingi ng tulong sa ating mga kababayan para nga po jan sa proyektong Palaboy Plaza ..salamat po at magandang Gabi...
May 31 at 10:51pm · Like

Winston Julius T Hernas http://i924.photobucket.com/.......M_1979.jpg

i924.photobucket.com
i924.photobucket.com
May 31 at 11:25pm · Like · Remove Preview

Winston Julius T Hernas http://www.paete.org/forums/vi.....start=0...
USAP PAETE :: View topic - Bulwagang Santo Nino De Palaboy
www.paete.org
PAETE.ORG Online Discussion Forums
May 31 at 11:37pm · Like · Remove Preview

Cristina Saldea bai hernas ay pasensya kana talaga kasi kahit anong gawin mo at gamiting conection ay wala kang magagawa kahit gamitin mo na lahat pati fb ay talagang ayaw ng mga myembro kaya pasensya kana sabi ni ka erning bata cajumban at kang jun cajumban ay kahit na daw habang buhay na walang bubung basta sa palaboy lang yan lupa yan at kahit ganonman ay nagagamit nmn yang ng kahit sino na hindi na kailangan idonate pa namin sabi ni ka erning at apin ay tumigil kana daw at marami kang hindi nalalaman kaya pasensya kn! salamat na lang alam kong mabuti rin nmn ang hangarin mo kaso hindi talaga papayag sa nais nyong mangyari
1 hr · Like

Winston Julius T Hernas Pasensya na rin Madam Christina.. wala akong ninais hindi maganda para sa inyo at para sa proyektong Palaboy.. nasa inyo ang lahat ng pag papasya tungkol sa bagay na yan .. ang sa akin ay nais ko lang na makatulong, at kung ang sistemang ito ay labag sa inyong kagustuhan ay isinasara ko na po ang pagpapatuloy na kayo ay kumbinsihin... hindi po ako nagkulang at ang mga may kaugnayan sa naging usaping ito.. bago po ako mag post ng kahit na anong may kaugnayan sa proyekto ng palaboy ay ito po ay isinasanguni ko muna sa mula sa inyong pamunuan... kapag sinabing go ahead ay sige lang po ako pero kapag aayaw ay nila ay stop na po..Ganun pa man ay patuloy pa rin po akong susubaybay sa proyektong ito.. at wala po ako o silang hinahangad kundi ang ito ay matapos.. all the best po...hope someday kapag napasyal ako jan muli ay maganda na ang Bulwaganng Santo Nino De Palaboy ...salamat po at magandang gabi..
1 min · Like
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Bisita
Guest





PostPosted: Thu Jun 05, 2014 7:58 am    Post subject: Reply with quote

G. Hernas,
Palagay ko panahon na para tumigil ka, hayaan mo na ang Pamunuan ng Palaboy ang magpasiya kung anong dapat gawin. At huwag mong pilitin matapos ang project sa pamamagitan ng gobyerno dahil sa relihiyon yang Palaboy, hindi pang community project yan.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat Jun 07, 2014 8:51 pm    Post subject: Reply with quote

Salamat po sa iyong pag Bisita.. case closed na sa side ko at sa mga personalidad para ito ay mapag usapan.. if there is another options from them the case was closed..let it be. i have nothing to loose...

by the way, would like to inform you those project Plaza Palaboy it is not only for religion accordingly.. ito po ay using multi purposes kung kayat makikita nyo po na ito sa mga nakaraang larawan ay ginamit po ito feeding, medical mission, yes may half basketball court, then Salibanda mass.. and so far kapag tag init ay bilaran din po ng palay Very Happy Very Happy Very Happy etc.

salamat po
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Bisita
Guest





PostPosted: Sun Jun 08, 2014 3:31 am    Post subject: Reply with quote

Multipurpose man kung turan pero ang Palaboy ay mula sa isang Samahang nag po promote ng sariling relihiyon. Mabuti ang layunin pero mayroong separation of Religion and State.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Jun 08, 2014 10:19 pm    Post subject: Reply with quote

Bisita.. I don't know what are you taking about.. Ang Palaboy sa pagkakaalam ko at sa Romano or katoliko.. anung nagpo promote na relihiyon ba ang sinasabi mo..

paki explain nga medyo akoy na excite... Laughing Laughing Laughing
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulong Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6  Next
Page 5 of 6

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group