PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

tULA at AWIT: Summer 2021

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 39
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Tue Jun 01, 2021 9:33 am    Post subject: tULA at AWIT: Summer 2021 Reply with quote

Tula at Awit: Summer 2021
Parang ang pandemic ay matatapos na Mag-ingat pa rin tayo. Habang naghihintay pa tayo ng pagdating ng dating takbo ng buhay, balikan ang mga awit ng Golden Oldies at magunita ang maraming maasayang araw noong kabataan, makakalibang at makapagpapalipas ng oras. SCNavarro

Masaya "Loveliest Night Of The Year"
Isang tula at kunting pagbabago lang ay pwede ding awitin sa himig ng "Loveliest Night Of The Year" na madidinig sa website na:
https://www.youtube.com/watch?v=b0N73SmZpP8 Al Martino
Original songwriters:: Irving Aaronson / Juventino Rosas / Paul Francis Webster

"GABING WALANG KASING GANDA"

Kung umiibig ka
Ang gabi'y walang kasing-ganda
Bitwi'y nagniningning
Na sa lupa'y ibig mong abutin.

Para kang makata
Habang siya'y iyong kasama
Kung umiibig ka
Ang gabi'y walang kasing ganda.

REFRAIN
Ang sayaw, kawili-wili
Ayaw nating matapos ang gabi
Sa aking paghanga
Sa katauhang may panghalina
Puso kong kumakaba
Tila batang ngayo'y kay saya
Halik mo'y gayuma
Sa gabing walang kasing ganda.

Ulitin ang REFRAIN kung aawitin.


Sentimental na tula, na maaawit din sa himig ng "Greenfields" awit ng Brothers Four. Buksan lang ang website na https://www.youtube.com/watch?v=46o1joHp7t0 at sabayan. ang awit. Songwriters: Gilkyson Terry, Dehr Richard

"LUNTIANG BUKID"
May luntiang bukid, araw ang kasuyo
May mga ilog dito nagtatagpo
Ang langit ay bughaw, may maputing ulap
Sila ang saksi sa pag-ibig na tapat
Kami ang mag-irog sa luntiang bukid

Wala na ang bukid, sinunog ng araw
Wala na ang ilog, tubig na malinaw
Puso ko'y dinala ng hanging Amihan
Wala na'ng mag-irog at mga pangarap
Nas'an ang luntiang bukid na tagpuan

Bakit kaya ikaw ay umalis
Makikita ka ba kung ang langit ay madilim
Ano pa'ng naghihintay sa akin
Walang natitira ngayong wala ka na

Sa 'yong pagbalik maghihintay ako
Maghihintay hanggang malaman mo
'Di ka liligaya kong ika'y lumalayo
'Di ka liligaya hanggang magbalik ka
Dito sa luntiang bukid at sa akin.


Malungkot "Sa Panaginip". Sariling kathang-isp na tula.
Maaaring awitin sa himig ng "Santa Lucia" . Sundan sa website na
https://www.youtube.com/watch?v=xP-eIUSuVmc&t=5s

"SA PANAGINIP"
Bakit bawat gabi ay nananaginip
Mga nakaraang araw ng pag-ibig
Kalungkutan lang palagi ng dulot
Kaya paggising ko'y puso'y kumikirot

Marami ng taong nagdaa't lumipas
Ngunit sariwa pa pag-ibig na wagas
Kahit anong gawin limutin sa isip
Bakit bumabalik ang panaginip
******
Tayo'y magkausap sa buong magdamag
Kamay mo'y hawak ko bilang sagisag
Ng pagmamahalan na walang pagkupas
Masasayang oras ating binabakas

Sa guni-guni ko parang kahapon lang
Handog mo sa akin rosas mong hinagkan
Ala-alang mahal aking iingatan
Hanggang makarating sa huling hantungan
******
Ako'y nananabik, tinatawag kita
Saan ka naroon, nandirito sana
Sa panaginip ko'y 'lagi kang kasama
Bakit sa gabi lang tayo nagkikita

Sa bawat sandali'y hinahanap kita
Ang paki-usap ko'y magbalik ka sana
Kaya naman ngayo'y sakbibi ng lumbay
Ano'ng mangyayari sa aking buhay?

Masayang-malungkot, ang sabi sa Paete.
Tulang hango sa "Green, Green Grass of Home" . Ang awit ay masusundan sa website na:
https://www.youtube.com/watch?v=lY32ONmcHTk Elvis' Version
Orihinal na sumulat: Jerry Lee Lewis, Tom Jones; Curly Putman

"HULING PAGBABALIK"
Ang aming nayon ay dati pa rin
Sa pagbaba ko sa train
At nandoon si Nanay at si Tatay
Si Mary ay agad natanaw ko na
May gintong buhok, labi n'ya'y pula
O kay sarap na bumalik sa nayon

Ako'y sinundo nila
At niyakap ako sa tuwa
O kay sarap na bumalik sa nayon

Ang aming bahay ay nakatayo pa
Kahit lumang-luma na
Ang puno na pinaglaruan ko'y nandoon at buhay pa

Si Mary ay naghihintay na
'Di mapigil ang luha n'ya May gintong buhok, labi n'ya'y pula
O kay sarap na bumalik sa nayon

Ako ay sinundo nila
At niyakap ako sa tuwa
O kay sarap na bumalik sa nayon

At ako'y nagising at nagmasid
Kay dilim ng paligid
Ako lang pala ay nananaginip

Ang tanod at ang padre ay nando'n na
Sila'y huli kong makakasama
Dito sa bilangguan kong aba

Silang lahat ay darating
Sasaksi sa aking libing
Sa may lilim
Na hantungan ko sa nayon

Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group