PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

TULANG HANDOG PARA KAY AUREL "BATANG PATIO"

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
fredmc



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 671
Location: Fred Cagayat

PostPosted: Fri May 12, 2006 8:59 am    Post subject: TULANG HANDOG PARA KAY AUREL "BATANG PATIO" Reply with quote

AUREL “BATANG PATIO”
1951-2006




Balitang si Aurel ay biglang pumanaw
Ay umalingawngaw na parang batingaw,
Maraming nagulat sakbibi ng panglaw
Batikang makata, naglaho sa tanaw.

Nagtawid dagat s’ya. bayan ay nilisan
Init ng disyerto’t lumbay ang kapisan
Scrabble at PC ang kanyang libangan
Telepono at text laging walang tantan.

Ang pawis ng kanyang paglagi sa Saudi
Kaunting inipon walang nalalabi
Laging may padala pamilya sa Payti
Binili n’yang bahay, kapatid nag-ari.

Maraming taong hindi siya umuwi
Nagtiis sa Saudi, lungkot ay kayhapdi
Para di maloko, nag-computer palagi
“Inspire me” at tula, kay daming hinabi.

Piniling pangalan ay si “Batang Patio”
Dahil ang bahay nila, sa gilid ng patio,
Ama’t ina niya laging nasa ulo
Kapatid, pamangkin, ay kanya ring kargo.

Sa dami ng tula na kanyang hinabi
Halos araw-araw may “posting” palagi
Mga alaala ng buhay sa Payti
Karanasan niya sa tula nauwi.

Ang mga nagturo pagkatha ng tula,
Ay walang masabi sa bagong makata
Indayog at wika pinagtugma-tugma
Maraming napilit kumatha ng tula.

Taong two thousand four, nag Balik-Payti s’ya,
Enjoy na enjoy s’ya, lahat kinumusta
Kababaya’t pinsan palaging kahunta
Kayat nang paalis laking despedida.

Mahal na Araw daw muli siyang uuwi
Kaibigan niya ay magsisiuwi
Pagaasam-asam ay biglang napawi
Di siya pinayagan sa kanyang pag-uwi.

Sa tindi ng lungkot dibdib ay mahapdi
Sa internet café doon siya naglagi
Hating-gabi lagi kung siya’y umuwi
Pusang alaga niya ay gutom palagi.

Gastos sa internet at sa telepono
Ay hindi pinansin, text doon, text dito
Mga kaibigan na lahat sa mundo
Ay kinontak niya, at kanyang ni-Hello.

Kaya pala gayon malapit nang lumisan
Kaibiga’t pinsan kanyang maiiwan
Pagtulong sa PACTAF kanyang sinimulan
Ang siyang alaala sa giliw niyang bayan.

Ang iyong pamana aming tatandaan
Ang iyong pagsulat maraming naratnan.
Sa Saudi ay Gibriel ang iyong pangalan
Aurel-“Batang Patio,” ang bantog sa bayan

Paalam-paalam aming kaibigan,
Bayang sinisinta na iyong iniwan,
Maraming nalungkot, at nag-iiyakan
Alaala’y ikaw, magpakaylan pa man!


Kinatha ni:

Fred M. Cagayat (fredmc)
Paboritong “angkol”
Sa New York.

5-12-06

_________________
FRED M. CAGAYAT


Last edited by fredmc on Fri May 19, 2006 5:08 am; edited 3 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
y@m@k



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 192
Location: Mark Anthony Rivera Cadawas

PostPosted: Fri May 12, 2006 10:01 am    Post subject: Reply with quote

Mang Fred,

Napakaganda po ng inyong nahabing tula.
God bless po sa inyo.

rgds,
Mark
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail AIM Address Yahoo Messenger
alimpuyo
Guest





PostPosted: Fri May 12, 2006 11:52 am    Post subject: Aurel - REST IN PEACE Reply with quote



Di nga makapaniwala, na si Aurel ay wala na
Kahit pa sabihin, di ko siya nakilala
Sa mga tula niya, ako ay pinahanga baga
Walang dahilan para di ko siya maala-ala..


Ang aking paghihinagpis, pilit na iwinawangis
Sa isang pasasalamat, sa SIYANG may dapat
Pagkat paghihirap, binigyan NIYA ng lunas
Mag-saya ka Aurel,biniyayaan ka ng oras..


Sa mga kaibigan na nangagulat
Huwag manghinayang, pagkat nasusulat
Sa Libro ng Buhay, tayo ay nahahanay
Una-una lang, lahat ay bibigay....................alimpuyo

Back to top
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Sat May 13, 2006 11:22 am    Post subject: Ipagpatuloy ang tulaan Reply with quote

Tunay nga Alimpuyo ang iyong tinuran
Mayroon tayong patutunguhang di maiiwasan
At ito ay nakatakda sa bawa't nilalang
Sa ano mang edad nariyan si kamatayan.

Di lang maiiwasan, na balik balikan
Kung paanong lungkot sa Gitnang Silangan
Ay matatapatan ng may kapakinabangan
at makikinabang ang may karamihan.

Dito nga pinaikot ng mahal kong pinsan
Sa mga sandaling panglaw ay nararamdaman
Modern communication ang kanyang binalingan
Sagli't lamang lahat ay pinuntahan.

Ngunit talagang hanggang doon na lamang
Buhay na sa kanya'y bigay ng Maylalang
Ganon pa man ang tatak niyang naiwanan
Naging malalim at hindi malilimutan.

Maganda Amang Fred ang tulang kinatha
Para sa pamangking nagpaalam ng bigla
Para sa ating naiwang nangapatulala
Ipagpatuloy na lamang gumawa ng tula.
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sat May 13, 2006 11:37 pm    Post subject: Reply with quote

dear fred,

this is a fitting tribute for aurel.

tamang-tama lahat ang iyong tinuran
marami hanggang ngayon sakbibi ng lumbay
pati ang mailing list at usap-usloan
ay kapansin-pansin matamlay, mapanglaw.

aurel has really touched many lives, including mine,
he will be sorely missed and fondly remembered.

for him, i have offered several masses here
in the church of the Holy Cross, Tanza.

mam amor

_________________
Amor Salceda Kagahastian
Back to top
View user's profile Send private message
Glo



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 235
Location: Gloria Basa Caguin

PostPosted: Mon May 15, 2006 12:56 am    Post subject: Re: TULANG HANDOG PARA KAY AUREL "BATANG PATIO" Reply with quote

YABADABADOOOOO!... Thank you po Mang Fred in New York... I LUV NY!
I sent you something last week ...from "Au's Chupagetti Girlz of L.A." Mr. Green
(aka his Klasmeyt Aida Asido-Zellipour & me-Glo...mahilig sa Spaghetti...pababa ng pababa)

and this is for you my sweet Au... wherever you are...

MTV...click on Macarena
http://www.vh1.com/artists/az/.....deos.jhtml

sing.dot.song and Do-Dah...
http://www.angelfire.com/al/aserio/macarena.html

- from d'City of Angels w/Love always: Ur Macirina Confused Laughing Razz

The Muse, PIPS
(Bopols sa Tulala, kaya Muse na lang!)
_________________
***********************
Gloria Dalay Basa Caguin
Los Angeles, California
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Tue May 16, 2006 2:38 am    Post subject: Reply with quote



Si Mam Amor Kagahastian habang tinutula ang tulang handog ni Mang Fred Cagayat para kay Aurel.



Rey C.

Sorry! Nagluko yung LCD multi media projector kaya di namin nai-present yung power point presentation na pinagpuyatan mo. Sayang! Ang ganda pa naman ng pagkakagawa mo. Ok sa laptop pero ayaw pumasok sa LCD projector.

Kasalukuyan na pong inihahatid si Aurel sa kanyang huling himlayan. Si Nenettski na po ang mag post nung iba pang pictures.
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
fredmc



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 671
Location: Fred Cagayat

PostPosted: Tue May 16, 2006 6:56 am    Post subject: Salamat sa postings about Aurel Reply with quote

Vice Mutuk,

Na ipost na ni Nenett yong mga ibang pictures ng funeral services ni Aurel. Nandoon sa section ng "Greetings and Sympathies" under the title - Goodbye Batang Patio.

Maraming salamat sa inyo.

Fred M. Cagayat
Aurel's uncle in New York
Back to top
View user's profile Send private message
leeq



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 304
Location: Lee Quesada

PostPosted: Thu May 18, 2006 8:48 am    Post subject: Thank you, Vice Mayor! Reply with quote

mutuk wrote:


Si Mam Amor Kagahastian habang tinutula ang tulang handog ni Mang Fred Cagayat para kay Aurel.
Rey C.
Sorry! Nagluko yung LCD multi media projector kaya di namin nai-present yung power point presentation na pinagpuyatan mo. Sayang! Ang ganda pa naman ng pagkakagawa mo. Ok sa laptop pero ayaw pumasok sa LCD projector.

Kasalukuyan na pong inihahatid si Aurel sa kanyang huling himlayan. Si Nenettski na po ang mag post nung iba pang pictures.


Mutuk! thank you, keep up the good things you are doing here at Usap. Fred, galing ng poem mo for Aurel! Nett, looking forward for more photos, thanx for everything and for attending to BatangPatio's PACTAF legacy! i wish i were hearing Mam Amor while she reads Fred's tula. and looking at Aurel's beautiful white coffin, i felt a definite peace for him!
good bye, BatangPatio! you will forever be in our hearts and mind.
tlee
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group