AKING NAGUNITA
by Ver Navarro

 

NOONG AKO'Y BATA, ANG AKING NAGUNITA,
ITONG TULANG LIKHA, TURO NG MAKATA, MAY HIMIG ANG WIKANG
SA ATIN NAGMULA, MA-IPAGMAMALAKI AT IKATUTUWA.

SA ATIN PONG USAP AT WIKANG KATUGMA,
INDAYUG NG PUNTO'Y DI MA-ITATATUWA, WIKANG PABURITO
LAGING NARIRITO, HUWAG KAYONG MALITO PAGKAT ITO'Y INYO.

HINDI PA PO TAPOS, ANG TULA KONG KAPOS
MAY KARUGTUNG PO ITO, KUNG SANG-AYON KAYO
SA TULA KONG PINAPLANO UPANG ILAHAD SA INYO.

KUNG ITO AY ULAM PARA PONG TINUTO, TINAPA'T GABE
AT LUYANG MAY GATA, ANG REKADONG LIKHA, MASARAP
ULAMIN SA TANGHALIANG AHIN, LALO NA PAG MAY AYUNGIN.

ANG PANGHIMAGAS NAMAN MATAMIS NA LANKA.
SABA AT KAMOTE, MERON PANG TAPYOKA,
PALATOK, PALITAW AT MATAMIS NA SABAW.

SA IBABA AY TIANGGI, ITO AY NAKA-WIWILI,
KUNG KAYO'Y MASUWERTE, MERONG PANG TIG-BABAYNTE
KALESA'Y NASA KALYE, ANG LAHAT AY BISING-BISI.

GULAY AT MAHA AT BIBINGKANG GAWA SA MALAKING KAWA,
BIRINGHI'T KILAWIN IBINABAD SA MAASIM,
TANGKILIKIN PO NATIN PAGKAT ITOY GAWANG ATIN.

SI AMANG KARTERO ITO AY PABURITO,
LALO'T SA HAPUNAN AT KARIHANG KANTO,
INUMANG PWESTO ITO PO AY SINASABO.

TANDANG-TANDA KO PA ITONG AKING LIKHA,
DAHIL SA ATIN AKO AY NAGMULA, TUBONG GITNANG-GITNA
SA PLASA'Y NAGGAGALA, MAGBILAD NG PALAY ITO'Y HANAPBUHAY

PARA SA PAMILYA AT MAHAL SA BUHAY.
LAYAS AT LAKWATSA SA BUONG LA-GUERTA,
LARO AT MIRYENDA ITO AY INUUNA.

TATAPUSIN KO NA PO ANG TULA KONG LIKHA,
HUWAG PONG MAGAGALIT SA KOPYA KONG WIKA,
NAIS KO PONG MAKITA INYONG MGA MUKHA,

NA MAY TUWA SA TULA NA DI MAG-UGMA-UGMA.
PASENSIYA NA KANUTO, KUNG HINDI KONTENTO
PASALAMAT AKO AT KAYO AY PASENSIYOSO.

ITO PO AY SI VIRGILIO NA NAG-AABISO,
ANG TULA KO PONG ITO AY PARA DIN SA INYO,
AKO PO AY NAGMAMANO AT MAGANDANG GABI SA INYO.


BACK TO THE PAETENIANS HOME ON THE NET