HALINA KATOTO,
MAGMIRINDAL KITA

by Manny Pagalanan

Puwede naman kaya, kayo'y makumbida
Hagimuhin natin ang limot na lasa
Sa nakapuruhang mirindal na tinda
Kahapon ng tayo ay mga bata pa.!

Iyang Bikang-bikang, sinong nakanamnam?
laging hinahanap, lutong inaasam
Kamoteng Bagin na galapong ang lagay
Pritong kabit-kabit, ingat magkawalay.!

At bubudburan pa, pulang repinado
Sa dahon ang putos pag-abot sa iyo
Ang Maduya po ay iba sa rito
Babad sa harina bagi ipirito!

Sinaludsud 'toto ay uunignigin
Kamoteng Kahoy na inilaid mandin
Piniga't gumaa'y halo't kasali rin
Matamis ang timpla na pipiritusin.!

Itong Inumaga, di masyadong tanda
Gumaang inupak, malakanin daw nga
Saka papatakan ng bagkat na handa
Ayos, at puwede ng ilako't igala.!

Mayroon pa rin po nitong Puto-Maya
Puto-Sulot nama'y iba ang tirada
Sinaunang hayin, 'hinandang miryenda
Sabik na matikman, Kabataa't masa.!

Ito nga po palang Gabi't saka Galyan
Ang pinakabudbud, kayod na gumaan
Maliga't ang laga, kasama'y asukal
Hanay tilad-tilad sa bilaong huyang.!

At tanda ba ninyo, tinapay na talpak?
Gatas na mayapot, ube, maski pinat
Hiling na palaman dito ibabanat
Saka titilarin sa mahabang tipak.!

"Daming nagtatanong, "Ano pong Pan Blanco"?
Mabiling tinapay sa Mino hinurno
Lasa's tamis-alat, sariling imbento
Nag-"clik" sa marami't tagal ding tumipo.!

At ano ba itong Kalabang, Bignay
Sapote, Mabolo, Anonas, Limuran?
Balobo na bunga at damong halaman
Na tinda at lako noong kabataan.!

At tungkol sa Pansit, aba'y siyanga pala!
Kung hindi kay Taba, Kay Senyong ang punta
Payapot, gisado ang palaging pita
Masarap, malutong, tustang bola-bola

Minukmok at laksa, saka pili-pili
Kalamay, Binatog, Binamban, Kamote
Pag kay Inang Dama nat'yempong bumili
Tutong, hipong yapyap ay magkakaige.!

Lugawan po namin ay kay Inang Dilang
Sa kanto na ngayon ay Plaza Edesan
Baynti sentimos ang lugaw na may laman
At diyes sentimos po kapag lugaw lamang

Wala pa po noon ang Burger at Pizza
Barbecue at hotdog hindi pa kilala
Ang kaibahan nga noo'y kamumura
Mga mirindaling ating kursunada


From: msccc [msccc@netasia.net]
Sent: August 1, 1999 2:06 PM
To: rcarolino@paete.org
Subject: Fw: Re: salitang Paete

hello rey...this forwards a poem, a contribution from manny pagalanan, editor of the local paper ayukod, in paete. this was sent to me by ming santos who secured manny's ok for publication in our website.

thanks and regards,

connie cagahastian

-----Original Message-----
From: mas@teammail.com <mas@teammail.com>
To: pcbc@netasia.net <pcbc@netasia.net>
Cc: msccc@netasia.net <msccc@netasia.net>
Date: Saturday, July 31, 1999 10:04 AM
Subject: RE: Re: salitang Paete

Hi Connie,
[cut]

This is a poem by Manuel "Manny" C. Pagalanan, Editor-In-Chief of AYUKOD a Paete publication. Makes a nice addition to the Mga Lutong Paete section of our website. Permission has been granted by him to publish this poem at our website.


BACK TO THE PAETENIANS HOME ON THE NET